Ang Pamilihan ng Yodobashi Camera- Lahat Narito na!

IMG_1443

Kapag pinag-uusapan ang mga tindahan sa Akihabara, ang isa sa mga pangalan na dapat mabanggit ay ang “Yodobashi Camera”. Kahit na ang salitang “camera” ay makikita sa dulo ng pangalan nito, sa katunayan ito ay nag-aalok ng  mgabukod-tanging uri ng mga produkto mula sa shampoo hanggang sa refrigerator. Ang Yodobashi camera ay matatagpuan sa isang siyam na palapag na gusali sa tabi ng  istasyon ng Akihabara . Ang tindahan mismo ay nasa una hanggang sa ika-anim na palapag, at ang ibang bahagi ng gusali ay binubuo ng mga restawran at iba pang mga tindahan.

One-Stop Store: Lahat ng Kailangan mo Narito na 

IMG_1395

Marahil ay mas mahirap na isipin ang mga bagay na hindi ipinagbibili sa Yodobashi Camera kaysa sa mga produkto na ini-aalok ng mga ito. Sa ikatlong palapag lamang, maaari kang makahanap ng halos anumang bagay na gusto mong bilhin mula sa Japan (at pati na din ang mga bagay na gusto ng iyong pamilya at mga kaibigan) tulad ng mga pampaganda, camera, rice cookers, electric toothbrushes, relo, at ang ilang mga kaakit-akit na bagay sa Japan. Siyempre, mayroong higit pa sa iba pang mga palapag na naghihintay sa  iyo upang galugarin (halimbawa mga laro at mga console sa ika-anim na palapag).

Ang mga dayuhang mga kustomer ay bumibisita sa Yodobashi Camera upang  bumili para sa kanilang mga kaibigan at pamilya, o para sa kanilang sarili. Marahil para sa kadahilanang ito, ang mga tindahan ay ginagawang mas maginhawa para sa kanila para makatigil sila sa isang lugar at magawang kumuha ng lahat ng bagay mula sa isang Lipgloss para sa isang maliit na kapatid na babae hanggang sa isang video camera para sa isang tiyuhin.
IMG_1390

Kabilang sa mga pinaka-popular na mga produkto ay ang  mga kamerang DSLR mula sa Nikon at Canon, mga tatak Japan na mga relo (Casio at Seiko), mga kagamitang pampaganda na mula sa Panasonic, at mga rice cookers na may iba’t ibang gamit.
IMG_1407

IMG_1411

Yodobashi bilang isang magandang lugar para sa mga  Dayuhan

Maaaring maging ligtas na sabihin na ang  Yodobashi Camera ay isa sa mga pinaka-kilalang mga tindahan sa mga turista na nanggagaling sa bansang Hapon. At dahil sa kasikatan ng tindahan, ang mga tao mula sa buong mundo ay tumitigil at namimili sa Yodobashi Camera nang higit pa at mas madalas, nag-iisa man sila  o mula sa mga ginabayang turista na naglalakbay. Karamihan sa mga banyagang kustomer ay mga Tsino at mga mula sa India, mayroon ding  ilang mga Europeo at mula sa Timog-Silangang Asya. Samakatuwid, ang isang malaking hamon para sa mga tauhan ng Yodobashi ay kung paano makipag-ugnayan sa mga kustomer na ito.
IMG_1434

IMG_1436

Upang makapagbigay ng wastong mga serbisyo sa mga banyagang mga kustomer, hindi lamang ang Yodobashi Camera ang nag-aalok ng iba’t ibang mga produkto na maaaring magamit sa ibang bansa, dahil ang ilan sa mga produkto ay mayroon ding kanilang mga paglalarawan na nakasulat sa Ingles o Tsino na nakalagay sa mga tokador. Para sa higit pang kaginhawahan, kumukuha din sila ng mga banyagang tauhan na maaaring makipag-ugnayan sa mga dayuhan at  tinitiyak na makuha nang mga kustomer ang bagay na ipinunta nila.
IMG_1441

Bukod dito, tumutugon din ang  Yodobashi Camera Akihabara sa mga pangangailangan ng mga banyagang mga kustomer sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga produkto na madalas na bilhin ng mga banyagang kustomer sa ikatlong palapag. Halimbawa, mga camera at mga accesories, relo, rice cookers, pang-ahit na gumagamit ng kuryente, mga pampaganda, maliit napampasalubong  at kahit kimono. Mas madali para sa mga banyagang mga kustomer ang mamili sa paligid para sa kanilang mga mahal sa buhay at para sa kanilang sarili nang hindi masyadong pinagpapawisan.

Mga Tip sa Pagbili Produkto 

IMG_1401

Magiging ganap na mapag-aksaya kung  bibili ka ng isang bagay na hindi mo maaaring gamitin sa labas ng bansang Hapon. Narito ang ilang mga tip para sa mga naghahanap ng mga bagay-bagay na maaari mong dalhin sa bahay (at magagawang gamitin ang mga ito!)

· Kapag bumibili ng mga de-koryenteng kasangkapan, hanapin ang salitang “海外対応” o ang impormasyon ng boltahe, na kung saan ay sa pagitan ng 100-240 v.

· Kung ikaw ay naghahanap ng mga produktong gawa sa bansang Hapon, hanapin ang salitang “日本製”

· Sinusuri kung ang sakop ng  warrantee ay ang mga produkto na ginamit sa ibang bansa kapag ito ay nasira at hindi gumana

· May mga ilang kilalang tatak ng kanilang mga sangay sa inyong bansa! Maaring hingin ang kanilang serbisyo sakaling may mangyaring di maganda sa inyong nakuhang podukto.

· Mangyaring tiyakin mong makukuha mong lahat ng impormasyon sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga tauhan na nagtitinda. Ang mga ito ay masaya na magkaloob ng mga serbisyo sa mga banyagang wika! (lalo na, Ingles at Tsino)

Paano I-access 

Ang pagtungo sa Yodobashi Camera (sangayng Akihabara) ay masyadong at magugulat ka kung ikaw ay mawala pa. Ang gusali ng  Yodobashi Akiba ay nasa tabi mismo ng istasyon ng Akihabara na nakakonekta sa pasukan (tulad ng mga kulay-dilaw at kulay dalandang larawan sa mapa sa ibaba). Maglakad nang patungo sa “pinakalabasan” o sa labasan ng  “Showa-Dori”at makikita mo ang pasukan sa tindahan ng walang kahirap-hirap.
IMG_0756
IMG_0755

Shop Data

Opening hours: Everyday 9.30-22.00 (1st-6th floor)
Address: Hanaokacho Kanda 1-1 Chiyoda-ku, Tokyo
Tel.: 03-5209-1010
URL: http://www.yodobashi-akiba.com/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>