Mai;lish

Mai;lish

IMG_0068

Ang Mai:lish , kahit na medyo may kalayuan sa istasyon ng Akihabara, ay isang uri ng tradisyunal na kafeteria na may mga tauhang nakasuot ng pang-kosplay kung kaya’t hindi mo ito dapat palagpasin! Maraming turista ang karaniwang bumibisita dito halos araw-araw.

Ang kafeteria ay idinesenyong katulad ng nasa popular na larong tinatawag na “STEINS;GATE” kung kaya’t ang kafeteriang ito ay katulad ng isang sagradong lugar para sa mga umiidolo sa larong ito, na dapat siguraduhing bumisita sa kafeteriang ito.

Mga produktong Inirerekomenda

Mai:lish’s curry (pink curry) 1300 yen

IMG_0193

Dito makikita mo ang kulay rosas na curry na mahirap mong makikita sa ibang lugar. Dahil sa ito ay isang curry na mula sa manok, walang dapat alalahanin ang mga taong hindi kumakain ng baboy dahil sa kanilang panata sa kanilang relihiyon. Kung di ka sigurado sa gusto mong orderin, subukan mo ang curry na ito.

Cream tea set 1365 yen

IMG_0176

Para sa menung ito, makakakuha ka ng isang takure na puno ng tsaa at scones. (Ang larawan sa itaas ay isang produkto lamang).

Ang tsaang ibinebenta sa kafeteriang ito ay ginagawa ng mga tauhan na tinatawag nilang “Ibara-san”, at ng isang manager ng tindahan na mayroong Sertipiko ng Asosasyong Magtatsaa ng Japan. At dahil ang mga tsaa sa kafeteria ay pili lamang, binili at ginawa ng mga propesyunal na tagaturo ng tsaa, maari mo nang matikman ang tunay na lasa at amoy ng mataas na kalidad ng tsaa, na hindi mo makikita sa ibang kafeteria.
IMG_0107

Bukod sa tsaa, mayroong malalaking inumin, na mas malaki ng tatlong beses kesa normal nitong laki at ito ay popular sa mga turista.
IMG_0068

Sa loob ng tindahan

IMG_0088

IMG_0084

Ang iba’t-ibang uri ng mga tauhang naka kosplay.

Sa mga normal na sitwasyon, ang mga tauhan ng kafeteria ay nagsusuot ng normal na mga kostyum: ngunit tuwing may mga espesyal na kaganapan tulad ng Halloween at Pasko, makikita mo silang nakasuot ng iba’t ibang uri ng espesyal na damit.
IMG_0169

Hitsura/Access

Maaring mahirapan kang hanapin ang kafeteria dahil ito ay makikita sa pinakaloob na parte ng gusali. Sa kabila ng kalsada, mayroong isang tindahan ng 7-11 na maari mong maalala.
IMG_0888

Maari mong gamitin ang hagdan simula sa ikalawang palapag hanggang sa kafeteria.
IMG_0886

Makikita mo ang mga damit na pangkosplay ng mga ito (makikita ang larawan sa ibaba)
IMG_0887

Mga lengguwaheng ginagamit

Mayroon ding Ingles at wikang Intsik na listahan ng pagkain (Mga lumang uri lamang bago ang mga bagong uri)

Babala

Ang pagkuha ng larawan sa kafeteria at mga tauhan ay ipinagbabawal, katulad din ng ibang mga kafeteria sa Japan.

Maari mong kunan ng litrato ang mga larawan ng pagkain, inumin na iyong binili, ngunit kailangan mo munang ipaalam sa mga tauhan.

data

■Hours 11:00~22:00
■Access FH-kyowa-square 2F,3-6-2,Sotokanda,Chiyoda-ku,Tokyo
■tell 03-5289-7310
■URL http://www.mailish.jp/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>