Kitamura Camera

Kitamura Camera

IMG_0781

Ipapakilala ko sa inyo ang isang tindahan ng kamera na tinatawag nilang “Camera no Kitamura”. Mayroon itong 900 na sangay ng tindahan sa buong Japan. 15 sa mga ito ay mga tindahang may mababang halaga lamang. Ang sangay nila sa Akihabara ay katulad din nito.

Hindi lamang mga bago at nagamit na kamera ang kanilang ipinagbibili, bumibili din sila  ng mga gamit ng kamera. Ang presyo ng kamera ay nagbabago depende sa halaga nito sa merkado ng araw na iyon. Ang presyo at ang istak nito ay nagbabago bago, pero maari mong tingnan ang 20,000 uri ng kamera  sa lahat ng tindahan ng “Camera no Kitamura” sa Japan sa paggamit lamang ng tablet na mabibili din sa mga tindahan sa Akihabara.

Maari mo ring tingnan ang mga impormasyon ng mga produkto sa online. Sa ngayon, (Setyembre 2014), ang website ay nakasalin sa wikang Hapon, Ingles, German at Korean. Maari mo ding hanapin ang mga produkto sa online at puntahan ito sa eksaktong tindahan upang makita mo muna ito bago mo bilihin. At dahil ang mga istak ng mga nagamit nang kamera ay madaling magbago, para sa mga nakakabasa ng Ingles, maari mong hanapin ito at tingnan ang mga impormasyon bago ka direktang pumunta sa mga tindahan.

http://www.net-chuko.com/

 

Maraming turista ang bumibisita sa Camera no Kitamura para bumili ng mga gagamiting kamera at hindi lamang para ipasalubong. Pagkatapos nilang bumili ng kamera, karaniwan nilang inaalis ito sa kahon at inilalagay ito sa kanilang leeg at nagpapatuloy na sa kanilang pamamasyal. Ang mga kahon ng kamera ay inilalagay sa loob ng isang lalagyang papel kaya di niyo kailangang mag-alala.

Ang tindahan ay may 2-minutong lakarin simula sa istasyon ng Akihabara, ngunit  ang lugar kung saan ito matatagpuan ay medyo mahirap hanapin kung kaya maari nating pagbasehan ang mapa na makikita sa ibaba. Ang mga turistang karaniwang bumubisita sa tindahan ay mga Instik, Thai at iba pa. Marami ding mga turista ang pumupunta ng buong pamilya kung kaya ito ay isang magandang lugar para mamili.

Mga listahan ng mga promo sa website ng Akihabara

Libreng pag imprenta ng hanggang sa 10 larawan (kamerang-digital, mga telepono) para sa mga bumili ng bagong mga kamera.

OLYMPUS OM-D EM10

IMG_0764

Ang kamerang ito ay mayrooong iba’t-ibang lengguwahe, mayroon itong 34 na lengguwaheng ginagamit tulad ng Hapon, Ingles, Instik, at Thai. Maari mong itanong sa mga tauhan kung paano hanapin ang lengguwaheng gusto mo.

IMG_0767

Higit pa doon, ang screen ay pinipindot lamang kung kaya’t napakadali nitong gamitin para gumawa ng mga pagbabago sa screen at pagkuha ng litrato.
IMG_0774

Nikon

Ang  sensor na maaring magpalaki sa imahe ng larawan na makikita dito ay isa sa mga espesyal niyang katangian. Ang sensor na ginagamit sa larawan ay isa sa mga pinakamahalagang dapat malaman sa pagpili ng kalidad ng imahe at larawan kesa sa taas ng pixel. Kung ang sensor na pang larawan ay malaki, kapag pinalaki mo ang larawan na kinunan mo, maganda pa din ang kalidad nito.

IMG_0783

Ang kamerang ito ay mayroon lamang dalawang lengguwahe na maaring gamitin ito ay wikang Hapon at Ingles.
IMG_0788

Sa ilalim ng kamerang ito ay makikita mo ang nakasulat na “Made in Japan” kung kaya’t mas gusto ito ng mga turistang mas gustong bumili ng mga produktong mula sa Japan.

IMG_0793

Bilang karagdagan, ang kamerang ito ay may depensa sa tubig at alikabok at napakatibay nito ( maari itong gumamit ng hanggang sa -10) . Ito din ay mayroong katibayan na maari mong palitan kung kaya’t itanong ito sa mga tauhang makikita doon

SA loob ng tindahan

Kapag ikaw ay nakarating sa loob ng tindahan, makakakita ka ng maraming kamera sa mga lalagyan. Hindi lamang mga bagong kamera ang iyong makikita, mayroon ding humigit-lumulang 1200 uri ng mga nagamit ng kamera sa tindahan.
IMG_0831
Bagamat ang mga lagayan ng kamera ay mas madaling gamitin at dalhin kahit saan sa iyong pamamasyal, maari ka pa ring tumingin ng mas maraming uri nito sa tindahan .
IMG_0796
IMG_0806
IMG_0805

Marami ding iba’t-ibang uri ng mga palamuting inilalagay sa kamera tulad ng mga lalagyan nito at mga istrap na gawa sa balat ng hayop.
IMG_0817
IMG_0825
IMG_0826

Komento ng manunulat

Ang Camera no Kitamura ay matatagpuan malapit sa malaking tindahan ng mga kagamitan, kung kaya’t hindi lahat ng turista ay alam ang lugar na ito. Ang pamimili ng kamera sa mga tindahan ng mga kagamitan ay maaring isang magandang ideya, ngunit, maari ka pa ring makakita ng mga kakaibang tanawin sa mga ibang tindahan. Kung kaya’t inaanyayahan ko kayong bumisita dito kung nais niyong magkaroon ng kakaibang karanasan sa Akihabara.

Access/ Itsura

Paunawa pakigamit ang billboard bilang tanda kung saan makikita ang tindahan.

IMG_0760

Ang tindahan ay nasa loob ng gusali, kung saan makikita ang isang tindahan ng Yoshinoya, isang tindahan ng kaning may baka. Pumasok kayo sa loob ng building na ito gamit ang daanan na nasa kaliwa.
IMG_0762
Lumiko muna sa kanan bago pumasok
IMG_0850
At sumakay sa elevator hanggang sa ika-apat na palapag.
IMG_0849
IMG_0820

Languages

Wikang Hapon lamang.

data

■Hours 10:30-19:30
■Access Hasegawa Bld.401, 10,Kanda-Matsunagacho, Chiyoda-ku, Tokyo,
■tell 03-5297-4041
■URL http://www.kitamura.jp/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>