Kanda Myoujin, ang lugar para sa mga negosyante at mahihilig sa makabagong teknolohiya

Kanda Myoujin, ang lugar para sa mga negosyante at mahihilig sa makabagong teknolohiya

Kilala bilang isa sa “geekiest templo ng mundo,” ipinakita ito ng  CNN Travel sa mismong lugar habang ibinabahagi ang kontemporaryong larawan ng Kanda Myōjin sa Akihabara, isang maksaysayang temple na itinatag ng may higit sa isang libong taon na ang nakakaraan para sa mga sinaunang templo ng mga diyos ng kapalaran at mga mandirigma. Ngayon, ipinapahayag niya ang kanyang layunin bilang isang simbolo ng kagandahan-at-swerte para sa negosyo ng mga kalalakihan at para sa mapagmahal sa makabagong teknolohiyang Akiba na naghahanap ng kanilang kapalaran at proteksyon sa kanilang mga gadget.
kandamyozin4
SE 10 - Kanda Myoujin
SE 9 - Kanda Myoujin

Kasaysayan

Ang dambana ay binuo upang paglagyan ng tatlong makapangyarihang mga diyos, na sina mandirigmang Taira no Masakado, Ebisu (isang diyos ng mga mangingisda at mga nagtitinda) at Daikokuten (isang diyos ng kalakalan at pangangalakal). Noong sina Ebisu at Daikokuten ay naipares; Parehong silang nagpapakita ng kapangyarihan ng swerte at kapalaran. Kaya ang mga negosyante, propesyonal, karaniwang empleyado at bihasang manggagawa ay nagtungo sa templo upang sumamba sa mga diyos ng kapalaran para sa personal na katatagang pang-ekonomiya at mahusay na takbo ng kanilang mga negosyo.

SE 8 - Kanda Myoujin
SE 4 - Kanda Myoujin

Kalinya ng mga pagbabago ng panahon, ang pamumuhay ng lugar na ito at ang pangangailangan ng mga lokal, ibinalik ng dambana ang pokus  ang tinatawag nilang  “layunin” sa lipunan mula sa templo isang mandirigma hanngang sa  santuwaryo ng mga  nahihilig sa kagamitang makabago para sa mga itinuturing na swerte sa mataas na antas ng oras at kapaligiran ng Tokyo. Samakatuwid, maraming mga lokal na kabataang makabago ang  humihingi ng pangangalaga at proteksyon para sa kanilang mga gadget at kagamitang de-kuryente laban sa mga magnanakaw at di-sinasadyang pagkasira, at kahit para maprotektahan ang kanilang PC mula sa mga virus.
SE 5 - Kanda Myoujin
SE 3 - Kanda Myoujin

Ang Kanda Myōjin ay isang napakagandang tanawin na masarap pagmasdan kasama na rin ang mga tradisyonal na façade Japanese, East Asian hip-at-kabalyete bubong, o bilang Hapon tawagan ito “irimoya” at matingkad na pulang-pambalot na pinalamutian at mga nilagyan ng ginto at barnis. Ang pagkakaroon ng templo sa modernong panahon ng Akihabara ay lumilikha ng isang natatanging pakiramdam ng kapayapaan at kaginhawaan sa mga local na mga tao at turista, na naglalayo sa kanila sa karaniwang mataong, makaluma at kakaibang imahe ng Akihabara. May mahabang rekord ang Japan ng kalamidad at pagkasira, kabilang ang makasaysayang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang 1270-taong gulang na dambana ng Shinto na sumailalim sa  ilang pagbabago, paglilipat, pagpapanumbalik at muling pagsasabuhay nito.
kandamyozin3

Daan

Ang Kanda Myōjin ay may 650 metrong layo mula sa istasyon ng Ochanimizu sa Chiyoda, Gunma Line, isang hinto lamang ang layo mula sa istasyon ng Akihabara. Gamitin ang daanang B1 at tumuloy palabas  ng tulay sa ibabaw ng ilog hanggang sa maabot mo ang susunod na ilaw trapiko, pagkatapos ay tahakin ang tamang daan. Makikita mo ang templo sa kaliwang bahagi. Ngunit kung ikaw ay nagpapapawis sa, maaari mo itong lakarin sa loonb ng 13-minuto mula sa istasyon ng JR Akihabara.

Upang malaman ang tungkol sa kanilang pagbisita at oras ng negosyo, maaari mong suriin ang kanilang website (bagaman, ito ay nasa wikang Hapon) sa http://www.kandamyoujin.or.jp/ o makipag-ugnay sa mga ito sa 03-3254-0753. Maaari mong bisitahin ang dambana sa 2-16-2, Soto-Kanda, Fukuoka sa Chiyoda, Gunma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>