Ang pinakasentrong tindahan ng Akky / Ang isang bilihan ng mga kagamitang de-kuryente at mga pasalubong mula sa Japan at tindahan ng mga koleksyon sa Chuo Dori

Ang pinakasentrong tindahan ng Akky / Ang isang bilihan ng mga kagamitang de-kuryente at mga pasalubong mula sa Japan at tindahan ng mga koleksyon sa Chuo Dori

Maliwanag at pinamumunuan ng propesyonal na may iba’t-ibang lengguwahe, ang tindahang ito ay nagbebenta ng mga produkto mula sa kagamitang de-kuryente hanggang sa mga lalagyan at mga maleta at kahit mga katanas!

Isang tindahan sa Chuo Dori na mayroong magagandang uri ng produkto na pwedeng pagpilian

Bilang ang Akihabara ang sentro nang kalakalan para sa lahat ng bagay na de-kuryente sa Tokyo, hindi nakakagulat na makita na may ilang mga tindahan na nakatuon sa mga lokal at mga dayuhang kustomer. Ang isang tindahan na napakalapit sa istasyon ng Akihabara at sa pangunahing kalye ng Chuo Dori ay ang Akky International. Sa katunayan, mayroong dalawang tindahan ng Akky sa lugar na iyon, at sumasaklaw sa pinakapangunahing tindahan, na nasa tabi lamang sa ng gusali ng Aoki Akihabara at nasa tapat ng tindahan ng Mulan Akiba Media na maaaring bisitahin kapag ikaw ay tumawid sa kalsada. Ang tindahang ito ay ipinakikilala sa pamamagitan ng isang maganda at naiilawan ng iba’t-ibang koleksyon ng mga watawat, at ng maliliwanag na kulay-dilaw na kuboyd sa tuktok ng gusali na may nakasulat na pangalan ng tindahan, at mas kapansin-pansin mula sa tapat ng kalye. Ang tindahan ay puno ng mahuhusay na tauhan na mayroong iba’t-ibang lengguwahe, ang ilan sa kanila ay nakikipag-usap sa parehong Hapon at Ingles.

Ang mga lalagyan sa tindahan ay puno ng mga bag at malilit na lagayan. Marami sa mga maliliit na laalagyan ay mayroong simbolo ng isang Kawaii, habang ang ilan ay mga mukhang samuray na espada! May mga iba’t-ibang mga modelo ng run ng opisina / laptop bag na normal na dinadala ng mga propesyunal sa pagpasok nila sa tindahan.

Habang kami ay pumapasok, nakikita namin ang mga lalagyan ng camera at relo, at pati mga kagamitang panlalake / pambabae, na tunay na may mataas na kalidad na mga modelo ng mga kumpanya sa Japan at iba pang mga tagagawa sa buong mundo. Gayunpaman, ang tanging nagpalaki ng aking mata ay ang rice cooker na gawa sa makabagong teknolohiya na mukhang likha para sa darating na panahon at nagkakahalaga ng 119000 Yen!

AkkeyInternationalMainStore003

AkkeyInternationalMainStore002

AkkeyInternationalMainStore001

Ang iba’t-ibang produktong Hapon na pwedeng ipasalubong at kolektahin na makikita sa pinakaibabang gusali, at isang palapag na para lamang sa mg kagamitang-dekuryente!

Sa pagpasok namin sa tindahan, makikita naming ang mga gamit na maaring ipasalubong at kolektahin, kabilang ang mga karaniwang pinagpipilian tulad ng mga abanikong papel, kagamitang pang-sining at mga manika. Sa ating pagdaan sa hagdan pababa papunta sa pinakaibabang bahagi ng gusali, maaari nating makita ang iba’t ibang mga produkto mula sa Tokyo T-shirt at kahit ang mga matataas na kalidad ng tradisyonal na lagayan ng tsaa, ilan sa mga ito ay nagkakahalaga ng 270,000 Yen! Pagdating mo sa pinakailalim na bahagi ng gusali, maaari mong makita ang mga katana (mga espadang likha sa bansang Hapon na ginagamit ng mga erstwhile mandirigmang Samurai) na may kaakit-akit na disenyo.

AkkeyInternationalMainStore006

AkkeyInternationalMainStore005

AkkeyInternationalMainStore004

Pagkatapos ng pagtingin sa ibabang palapag, umakyat ako sa mas mataas na palapag, at bumungad sa akin ang isang malaking seleksyon ng mga maleta sa aking pagdaan. Ang mas mataas na palapag ay para lamang sa mga mobile phone, laptop at entertainment system audio. Ang pinakabago at pinakamahusay na mga mobile phone at mga sistema ng audio mula sa Sony at maraming iba pang mga tatak ay makikitang naka-display, kasama ang mga laptop mula sa Toshiba, Dell, Acer at iba pa. Mayroon ding TV na maaaring pagpilian, at seksyon para lamang sa JBL headphone, kabilang ang mga modelo na maaaring subukan. Maraming mga uri ng mga palamuting inilalagay sa mga kompyuter na tulad ng SD Card at mga USB drive ay makikita din dito.

AkkeyInternationalMainStore007

AkkeyInternationalMainStore008

AkkeyInternationalMainStore009

AkkeyInternationalMainStore010

Paraan ng Paggamit / Ang isang tindahan ng duty-free na matatagpuan sa Akihabara

Ang pangunahing tindahan ng Akkey ay bukas simula 10:00-07:30 ng gabi, tulad ng nakatala sa kanilang website.

Ang kanilang opisyal na website ay http://akky-jp.com/eg/shop01/

Ang Akkey International ay isang pangunahing shop ay may 3 minutong (200 metro) lakarin mula sa JR Akihabara Station Electric Town. Ang Akihabara ay mahusay na nakakonekta sa maraming linya ng tren, kabilang na ang JR Keihin Tohoku at linya ng Yamanote at Sobu.

Upang madaling makaabot sa Akkey International huminto mula sa Electric Town sa istasyon ng Akihabara, dumaan sa kaliwa at maglakad sa tabi ng “Atre” gusali sa isang direksyon na papunta sa AKB48 cafe. Maglakad nang diretso ng mga 50 metro at lumiko bago dumating ng gusali ng “Adores” sa kanan. Pagkatapos maglalakad ng ilang metro sa daanang ito, kumaliwa papunta sa isang maliit na kalye at makikita mo ang mga tindahan sa kanan.

■ Oras – 10: 00 ~ 19: 30

■Access – 〒101-0021 Tōkyō-to, Chiyoda-ku, Sotokanda, 1 Chome−12-1

■Tel – +81-3-5207-5027 / +81-3-5207-5564

■URL – http://akky-jp.com/eg/shop01/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>